Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga player masunurin sa protocol – Marcial

0 53

Siniguro ni PBA commissioner Willie Marcial, kasama ng Games and Amusements Board, na sumusunod lahat ng players sa workout protocols sa practice gyms.

Tig-apat na players, isang trainer at health officer lang ang papasok sa gym, idi-disinfect ang lugar pagkatapos ng session bago papasukin ang kasunod na batch.

Aug. 25 nagsimula ang workout, kuntento naman si Marcial sa itinatakbo.

“So far, so good,” pahayag ng commissioner. “May mga inspection teams tayo at ang GAB ang nag-su-surprise visits sa mga practice gym. Pero ‘yung teams mismo pino-police na rin sariling ranggo nila.”

Pagkatapos ng tatlong linggong workout, inaasahan ng PBA na papayagan na ng IATF ang full scrimmages. Kapag may go-signal na, go na rin ang pagbabalik ng PBA sa second week ng October.

March 11 nang itigil ang Philippine Cup dahil sa coronavirus.

Kailangang bumalik ang game-shape ng players para iwas-injury rin.

“Nasabi ko na before na siguradong may kalawang pa ilan sa mga ‘yan (player),” panapos na paliwanag ni Marcial. “Kaya kailangan talaga full scrimmages dahil doon mo makukuha rhythm, timing mo.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.