Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga player, referee lang walang mask

0 81

Kapag nagsimula na ang restart ng PBA Philippine Cup sa Oct. 11 sa Clark Freeport Economic Zone, 13 tao lang ang makikitang walang mask sa loob ng Angeles University Foundation gym na venue ng mga laro.

“Ang walang mask, ‘yung 10 naglalaro sa court at tatlong referees – 13 tao lang ang walang mask. Lahat naka-mask,” giit ni commissioner Willie Marcial sa Zoom press conference Martes ng hapon.

Ang mga nasa bench, hindi puwedeng magtanggal ng mask. Bawal ang high fives o fist bumps at team hugs. Ang mga lalabag, bubulungan ng sermon.

“Una, pagsasabihan muna natin,” dagdag ni Kume. “Pero alam mo naman halimbawa sa buzzer-beater, excited lahat. Pipilitin natin na ‘wag nilang gawin.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.