Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PMVIC owner tiklop kay Duterte, binagsak singil

0 75

Tila napilitang magbaba ng singil ang mga Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) kahit pa umano malulugo sila matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ito gawing mandatory sa pagpaparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

Base sa virtual press briefing ng ahensya nitong Huwebes, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Giovanni Lopez na pumayag umano ang mga PMVIC owner na iparehas ang kanilang singil sa mga Private Emission Testing Center (PETC).

Bilang tugon umano sa kautusan ni Pangulong Duterte, babaan ng mga PMVIC ang kanilang singil ng P600 para sa mga light vehicle, P500 sa mga motorsiklo, at P300 sa mga jeepney para sa inspeksyon na dati ay umaabot sa P600 hanggang P1,800 at may karagdagan pang “reinspection fee”.

SM food to go Banner Ad

“Dagdag pa dito, wala ng reinspection fee sa loob ng isang taon,” ani Lopez.

Sinabi pa nito na maaaring simulant sa ngayong Biyernes o Sabado ang bagong singil sa vehicle inspection at ang pagsuspinde sa “reinspection fee”.

Inihayag naman ni Inigo Larrazabal, presidente ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP), na sa kabila ng binaba nilang inspection fee ay magpapatuloy ang operasyon nila para matiyak ang `roadworthiness’ ng mga sasakyan. (Dolly B. Cabreza/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.