Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pobre asenso `pag pinahusay 4Ps – Lacson

0 137

Mas paghuhusayin pa ni presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kapag nagpasya ang sambayanang Pilipino na ipuwesto siya bilang susunod na pangulo ng bansa sa halalan sa Mayo 9, 2022.

Inilahad ito ni Lacson sa kanyang pagsasalita sa mga taga-Zamboanga City kahapon para umangat aniya ang kabuhayan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Nagsalita si Lacson sa Southern City Colleges-West Campus sa San Jose Gusu, Zamboanga City kung saan kanyang inilahad sa mga residenteng dumalo ang mas pinahusay na 4Ps kapag siya ang naging pangulo.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Lacson, pipihitin nila nang bahagya ang umiiral na panuntunan ng 4Ps na nakatuon lamang sa kasalukuyan sa pagbibigay ng dagliang ayuda upang maitawid ng mga benepisyaryong pamilya ang kanilang pangkain sa maghapon sa loob ng partikular na panahon.

“Itu-tweak namin ‘yon (4Ps), i-improve namin ‘yon. Hindi natin tatawaging 4Ps, pantawid pamilya, kundi ‘pang-ahon.’ Kasi kailangan makaahon sa kahirapan, hindi ‘yung tatawid ka lamang na makakain nang tatlong beses sa isang araw,” paliwanag ni Lacson.

Bukod dito, inihayag din Lacson na layon niyang isaayos ang 16 na iba pang programang nakakabit sa 4Ps na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DWSD). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.