Abante Tonite Interactive

Mga POGO na hindi nagbabayad ng tax isara

217

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga awtoridad na ipasara at pauwiin na lang sa China ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, seryosong isyu ang ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na majority ng 60 lisensiyadong Chinese POGO sa bansa ay nabigong makapagbayad ng aabot sa P50 bilyong withholding at franchise tax sa pamahalaan noong 2019.

Aniya, pinayagan ng pamahalaan na makapag-operate ang mga POGO sa bansa dahil sa malaking kita na iaambag nito sa gobyerno na malaking tulong sa ekonomiya, ngunit kung niloloko ang bansa ay mabuti pa umanong isara ang mga ito at pabalikin sa China. (JC Cahinhinan)