Abante Tonite Interactive

Mga political group sumigaw ng ‘failure of election’

556

Isinigaw ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), at Phi­lippine Compu­ter Society­ Emeritus Toti Casiño ang fai­lure of election bunsod ng kaliwa’t kanang inulat na mga kapalpakan ng ilang vote counting machines (VCM) at paglabag ng proseso ng eleksyon, ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369.

Sa ginanap na media forum sa Manila Hotel, nagsama-sama sina Prof. Toti Casiño, Nelson Celis, Atty. Glenn Chong, Butch Valdes, Atty. Melchor Magdamo upang tuligsain ang katatapos na halalan.

Ayon kay Nelson Celis, spokesperson ng Automated Election System Watch, mandato ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbibigay ng sertipikasyon ng Technical Evaluation Committee (TEXC) tatlong buwan bago ang araw ng halalan.

Aniya, sa sertipikasyon ng TEC ay nagsasaad na ang mga VCM na gagamitin ay gumagana ng maayos, ligtas at sigurado ayon sa Section 11 ng Republic Act 9369.

Sa pagtatapos ng nasabing forum naki­isa ang lahat kay Atty. Melchor Magdamo, Legal Counsel ng Mata sa Balota na magsampa ng Freedom of Information Petition sa iba’t ibang korte sa Pili­pinas upang magkaroon nang pagkakataon na mabuksan ang mga VCM at matignan ang mga balota at resulta ng eleksyon.