Abante Tonite Interactive

Mga politiko pa –VIP sa COVID test

746

Buwisit si broadcaster Karen Davila sa mga politiko at staff nito na nagpapa-test pa sa kanilang mga bahay para sa COVID-19.

Sa kanyang tweet nitong Marso 21, sinabi ni Davila na pinapapunta pa ng ilang politiko at staff nito ang DOH surveillance team para magpa-test.

Dapat aniyang mabunyag ang pangalan ng mga ito.

“Nakakagalit. Tumigil na kayong mga pulitiko at staff ninyo na nagpapa-test pa sa bahay pa sa ating DOH surveillance team. Dapat lahat ng pangalan nyo mabunyag sa totoo lang,” giit ni Davila. (Issa Santiago)