Abante Tonite Interactive

Mga politiko sumawsaw sa ‘Liway’

187

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng Cinemalaya box office champion, ang Kip Oebanda’s Liway, may special showing na ginawa sa UP Film Institute na nangyari sa araw mismo na prinoklama ang Martial Law sa Pilipinas nating mahal, Setyembre 21.

Ang daming ganap na nakakapagdabog talaga sa bangs na nangyari nu’ng araw na iyan. Hay naku! Hay naku talaga! Marami talaga ang hindi na makapaniwala sa nangyayari sa ating bayan kaya sana, ang pelikulang Liway, mas marami ang manood sa mga sinehan pag ipinalabas na ito sa Oktubre 10.

Ang mga guro at dalubguro, mga magulang, mga mag-aaral, mga pamilyang may mga anak, asawa o kamag-anak na naging desaparacidos at ang mas nakararaming descamisados, magkapit bisig, sumugod sa mga sinehan at suportahan ang pelikula.
Dasal ko rin na ang mga kasalukuyang superstars, sina Coco Martin, Vice Ganda, Alden Richards, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, James Reid, Kathryn Bernardo at iba, hikayatin ang kanilang mga fanatic at supporter para mas marami pa ang manood sa Liway kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan.

Abante Hiring – IT dep

Sa nasabing special premiere, dumalo sina Bise Presidente Leni Robredo at ang mabunying Senador Bam Aquino, mahigit na 30 martial law survivors, madre, film enthusiasts at mga mag-aaral.

Pahayag ni VP Leni sa isang panayam matapos ang special screening, “Napaka-powerful ng film, lalong-lalo na personal account siya…galing siya sa point of view ng isang dumaan sa karanasan. Ang Liway nagpapaalala sa atin na huwag nating papayagan na mangyari muli ‘yung iniwan na natin. Ang mga babae at lalaking lumaban noong martial law, dapat hindi natin makalimutan dahil sa sakripisyo nila, nabawi natin ang ating kalayaan.”

Si Sendor Bam, ang reaksyon matapos panoorin ang Liway, “Ang paagbabago ng ating kasaysayan, matagal na iyang sinusubukan pero palagi na may umaalma. Marami ang nag-a-attempt na burahin ang mga totoong pangyayari pero hindi sila magtatagumpay. Ang kamay na bakal na pamamaraan, walang maibibigay na maganda sa ating bayan.”

Sa pangalawang pagkakataong pinanood namin ang Liway, sina Glaiza de Castro, Dominic Roco, Kenken Nuyad, Sue Prado at Soliman Cruz, mas lalo kaming pina­hanga sa kanilang mahusay na pag ganap. Mula sa puso ang pagbibigay buhay nila sa kanilang mga katauhan kaya siguradong hindi ka lang maaantig, ikaw ay madadala, mapapaluha, gustong mong humiyaw sa galit at ngitngit dahil hindi madali ang kanilang mga naging karanasan.

Sabi nga ni Direk Kip, “What’s happening now, what we wanted and what we hope could happen, which I think is happening in our screenings is to tell the stories of the victims in general, na totoo yung narratives ng martial victims.”

Dagdag pa niya, “I saw a video where Juan Ponce Enrile was saying name me one victim of martial law, kasi may active effort talaga to discredit the histories of people, fairytale daw. So I wanted to provide a face to that, and it’s a very big risk on the part of me, personally, given the situation now to say na, ‘Kami ito. True story ito, it’s us.”

Pelikula nina Ritz, Pepe limot agad

 

Sa mga sinehan sa kasalukuyan, nakakalungkot na mapagtanto na sa aking favorite Southern mall, ang Abay Babes kung saan may pabakat daw ng kanyang big stick si Marco Gumabao, nag-first day, last day.

Sa Gateway, palabas pa rin siya. Ang hindi rin yata nagtagal sa sinehan, ang pelikulang pinagtambalan nina Ritz Azul at Pepe Herrera. Ano nga pamagat nun? Dahil faster than a speeding bullet ang kanyang pagbabu, ang diva that you love, hindi na rin matandaan ang pamagat nito. Hahahaha.

Lumalaban sa takilya ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, ang mga sinehan nila, nadagdagan at hindi nabawasan.

Ang The Hows of Us, walang makakalupig at patuloy sa pagtatala ng all time high box office records.

Ang Goyo: Ang Batang Heneral, ayon sa aking impeachable source, P100 million na ang box-office gross at ang mga mag-aaral, patuloy itong pinapanood.

Kung may mga mahihina, may mga malalakas, ang mga paparating na pelikula, nawa’y bonggang-bongga rin ang kanilang tagumpay sa takilya.