Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga politiko walang maitatago sa social media

0 63

Panahon na talaga ng eleksiyon.

Kaya napakainit na ng bangayan sa politika ng mga may ambisyong tumakbo sa 2022.

May ilan namang nag-aambisyon ang maaga pa lang ay mukhang sira na diskarte dahil sa naglalabasang mga negatibong ulat.

Katulad na lamang ni Senador Dick Gordon na naninimbang kong sasabak na Pangulo sa 2022 ay inuulan ng intriga.

Nauna itong napag-initan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano makatarungang sobrang paniningil sa RT PCR test sa mga PWD at senior citizen.

Inakusahan din ang Senador ng paggamit sa pondo ng Philippine Red Cross (PRC) sa eleksiyon. Ang senador ang chairman ng PRC.

Maging si Senador Bong Go ay hinamon si Gordon na magbitiw sa PRC dahil sa nakikita niyang conflict of interest bilang PRC chairman at isang maimpluwensiyang komite sa Senado.

Pinakahuling batikos na inabot ngayon ni Gordon ay ang isang lumang larawan nya kasama ang isang

namayapang kilabot sa National Bilibid Prison (NBP) na si Jaybee Sebastian.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sangkaterbang komento ang inabot ng senador dahil sa lumang larawan kung saan ay makikitang nakikipagkamay at nakikipagngitian ito sa high profile inmate na pasimuno ng illegal drug trade sa Bilibid.

Taong 2013 ayon sa mga ulat ang nasabing larawan pero siyempre marami ang napapataas kilay Gordon dahil ang panahong iyon ang kainitan ng droga sa NBP na ang pasimuno ay si Sebastian.

Hindi nga ba’t naging “paboritong pasyalan” ng ilang government officials noon ang Bilibid at isa si

Senator Leila de Lima, dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa inakusahang nakinabang umano sa pera mula sa umiikot na droga sa NBP at ginamit diumano niya sa pagtakbong senador.

Napagpiyestahan tuloy ng mga kritiko si Gordon na kilalang mabagsik kapag may imbestigasyon ang kanyang blue ribbon committee sa Senado dahil sa litratong kumakalat.

May nang-uurot na mga nitizens sa Senado na imbestigahan din ngayon ng Senate blue ribbon committee kung ano ang ibig sabihin ng pagbisita ni Gordon kay Sebastian.

Pero ang tanong sino ang mag-iimbestiga kung ang pinuno ng nasabing komite ay si Gordon?

Kaya sa mga politiko ingat sa mga nagpapakuha ng larawan dahil baka magamit laban sa inyo imbes na makatulong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.