Abante Tonite Interactive

Mga poste ng kuryente pinag-initan ng politiko

374

Sa paghahangad na mapalayas ang mga informal settler, pinapatanggal daw ng isang politiko ang mga poste ng kuryente sa isang komunidad sa probinsya.

Nagsumite daw ng request sa electric company ang politiko para tanggalin ang mga poste upang mapilitan ang mga naninirahan doon na lumayas.

Sinopla daw ng electric company ang request ng politician dahil sa proyekto ito ng local government at ginastusan ng pondo ng gobyerno.

Abante Hiring – IT dep

Gusto daw kasi ng politiko na i-develop ang lupaing tinitirikan ng bahay ng mga informal settler.

Ang classic nito, 40 taon na raw naninirahan sa nasabing lupain ang mga informal settler pero himalang napatituluhan ito ng politiko dahil na rin sa mga koneksyon nito sa gobyerno.

Clue: Ang politiko na pinagdiskitahan ang mga poste ng kuryente para mapalayas ang mga informal settler ay kilalang matapobre. May letrang C sa kanyang pangalan as in Cooper.