Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga poultry raiser umangal sa DA

0 123

Kinalampag ng mga lokal na hog at poultry raiser ang Department of Agriculture (DA) dahil sa umano’y pagpabor sa mga importer ng frozen meat sa halip na isulong ang kapakanan ng lokal na industriya.

Kasunod ito ng paglulunsad ng DA katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ‘Presyong Risonable Dapat (PRD): Frozen Meat Edition’.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layon ng programa na bigyan ng opsyon ang mga konsyumer na pumili ng mas mababang presyo ng mga karneng baboy.

Una nang inihayag ng United Broilers and Raisers Association (UBRA) na sapat ang suplay ng karne ng manok ngunit patuloy na pinapayagan ng DA ang pag-angkat ng imported frozen meat.

Daing nila, masyado na silang nadedehado at marami na rin ang nawawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy na pagpapapasok ng kagawaran ng mga imported na karne sa bansa.

Sinabi ni Jose Elias Inciong, pangulo ng UBRA, wala silang natatanggap na anumang tulong mula sa DA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.