Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PR ni senador swak lagi sa basurahan

0 194

Kahit anong daming press release ng isang senador, hindi pa rin ito mabenta sa mga reporter.

Walang gumagamit kaya zero o minsan naman ay iilan lang ang lumalabas sa mga news website.

Kasi ba naman, recycled karamihan ang mga PR na pinamumudmod nila sa media.

Hindi kasi maganda ang pagkakagawa ng PR na parang hindi man lang pinag-isipan ang anggulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kapag hindi lumabas ang PR ng mambabatas ay muli nila itong ipinadadala sa media pagkalipas ng ilang araw. Ni-reangle naman nila ang lead ng PR pero hindi pa rin ginagawa ng mga reporter dahil hindi pasado sa kanilang panlasa.

Kaya ang resulta, binabasura lang ang kanilang PR.

Gayunman ay hindi pa rin sumusuko ang mga writer ng senador dahil sa third time ay magpapadala ulit ng PR na recycled na may new twist o ibang anggulo. Pero tulad ng dati, basurahan pa rin ang bagsak. In short, walang kadala-dala. Sino siya?

Clue: Ang senador na paulit-ulit ang PR ay terror sa mga staff. May letrang R ito sa kanyang apelyido as in ‘recycled’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.