Abante Tonite Interactive

Mga prayer warrior kontra virus sa Nueva Ecija

392

Nakahandang umagapay ang mga miyembro ng Nueva Ecija Prayer Warriors (NEPW) para magbigay ng pag-asa, lakas at spiritual healing sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Itinatag ang NEPW sa tulong ng Nueva Ecija Inter-Agency COVID-19 Task Force sa pamumuno ni Gov. Aurelio Umali upang tumulong sa mga person under investigation (PUI) at mga person under monitoring (PUM) sa pamamagitan ng tele-counseling sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Fr. Arnold Abelardo, tagapagsalita ng Nueva Ecija Inter-Agency COVID-19 Task Force, umabot sa 30 pastor, pari at isang obispo, ang nagboluntaryo sa NEPW na nakahandang magsakripisyo lalo ngayong Semana Santa para sa mga biktima ng virus.

“Dahil walang higit na makakatulong sa atin na malampasan ang krisis na ating pinagdaraanan kundi ang Panginoong Diyos na siyang may likha sa atin,” ayon kay Fr. Abelardo.

Aniya, kokontakin lamang sa telepono ng mga prayer warrior ang mga PUI at PUM habang nasa quarantine facility at igagawad nila ang tulong na panalangin. (Jojo De Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad