Abante Tonite Interactive

Mga preso sa Munti may lover, ayaw nang lumabas

416

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na lalaki na ang gusto ng mga presong matagal nang nakakulong sa mga piitan.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa kanya sa Malacañang na hindi na babae ang gusto ng mga presong tumagal na ng 15-20 taon sa kulungan dahil nagkaroon na aniya ang mga ito ng tinatawag na ‘latent sexuality’.

Kahit aniya nakalaya na ang isang preso ay gagawa at gagawa ito muli ng kasalanan para makabalik sa kulungan.

Nilinaw ng Presidente na hindi bakla ang mga presong may lover na kapwa lalaki, kundi dahil ito na ang nakasanayan ng mga ito sa loob ng mahabang pa­nahon sa presohan.

(Aileen Taliping)