Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga private hospital pilay sa P6B PhilHealth utang

0 334

Naaalarma ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) sa posibleng pagkapilay ng kanilang serbisyo kung patuloy silang magbabawas ng kanilang bed capacity ngayong pandemya bunsod ng kabiguan diumano ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nna bayaran ang utang na umaabot sa P6 bilyon.

Ayon kay PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano, umabot sa ganito kalaking halaga ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital sa kasagsagan ng pandemya dahil puro pangako lang ito na magbabayad sa kanila pero hindi umano dumarating ang kabayaran.

Marami na umanong pribadong ospital ang umaaray dahil apektado na ang kanilang operasyon.

“Bakit ‘di ma-release? Kaya nag-downsize na kami kasi nagkukulang na ang resources. Yung dating 150 beds, naging 95 beds na lang para makabawas sa mga gastusin,” ani De Grano.

Kaugnay nito, sinabi naman ni PhilHealth spokesperson Rey Balena na batay sa kanilang record ay tumanggap sila ng 2.9 milyong claim na nagkakahalaga ng P28.3 bilyon mula sa mga miyembro ng PHAPI noong 2020.

Aniya, nakabayad na ang PhilHealth ng 87% o P24.9 bilyon sa mga pribadong ospital.

Ibinalik sa mga ospital ang 8% o P2.4 bilyon na claim dahil sa ilang kakulangan habang ang 5% o P1.07 bilyon ay pinoproseso pa.

Mabilis na rin umano ang pag-proseso nila na 39 araw kumpara sa 60 araw na itinatakda ng batas.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang mga regional office sa mga healthcare provider para hindi ma-deny ang kanilang mga claim. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.