Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga private school kinukumbinsi maging quarantine

0 444

Kinakausap ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan sa Metro Manila para maging dagdag na quarantine facility ng mga may impeksiyon ng COVID-19.

Inihayag ito ni DepEd Secretary Leonor Briones sa press briefing sa Malacañang matapos pumayag na ipagamit ang 17,910 classroom ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Briones na kinakausap na nila ang mga pribadong paaralan at sakaling pumayag ang mga ito ay asahang madadagdagan ang mga quarantine facility para sa mga may COVID-19.

“Kung isama natin ang private schools na nandito sa NCR at kung papayag sila ay lalong lalaki itng numerong ito. We are now working out the numbers with the Department of Health,” ani Briones.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.