Abante Tonite Interactive

Mga promotor ng fake news turuan ng leksyon

362

Dear Abante Tonite:

Para sa akin dapat lang sampolan itong mga nagkakalat ng fake news lalo na kung nagdudulot ng ligalig at takot sa mamamayan ang kanilang ginagawa.

Mayroon tayong sapat na batas para sampahan sila ng kaso. Siguro naman mag-iisip na ang iba kapag nakita nilang seryoso ang ating Philippine National Police na hanapin at kasuhan ang mga promotor ng fake news.

Kung bakit kasi may mga kababayan tayo na ugaling magkalat ng fake news sa social media.

Pero sana maging maingat din ang mga kababayan natin sa mga napapanood o nababasa nila sa social media. Huwag basta papatol. Kung may duda ay isumbong sa mga awtoridad. Mismong PNP hinihimok ang publiko na magsumbong sa kanila laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon para maturuan sila ng leksyon.

Erika Pasay City