Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga provincial bus namumuro sa suspensiyon – LTFRB

0 119

Pananagutin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga provincial bus na responsable sa pagkaabala ng libu-libong pasahero dahil sa naging kalituhan sa window hour scheme.

Hindi pa masabi ng LTFRB kung papatawan ng multa o suspensiyon ang mga sangkot na provincial bus subalit tiniyak nitong may gagawing aksiyon ang ahensiya.

Ayon kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion, hindi na bago ang mga ganitong kaso sa kanilang ahensiya dahil minsan na rin nilang pinarusahan ang kompanya ng Uber.

“If there would be need for suspension or penalty hindi na ito panibago sa board, nangyari na ito sa Uber na pinagmulta ng a hundred million noon,” sabi ni Cassion.

Una nang pinadalhan ng show cause order ang Victory Liner, Genesis Transport Service, Bataan Transit Bus, Five Star Bus, First North Luzon Transit at Maria de Leon para sa isang pagdinig na itinakda sa Mayo 10. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.