Abante Tonite Interactive

Mga provincial bus terminal sa EDSA isasara

By
0 496

Ipapasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng provincial bus terminal sa EDSA sa pagpasok ng 2019.

Ayon kay MMDA Gen. Mana­ger Jojo Garcia, napag-usapan na nina Transportation Usec. Mark de Leon at LTFRB Chaiman Martin Delgra ang posisyon ng MMDA at suportado sila ng dalawang opisyal.

Paliwanag nito, kapag natanggal ang 46 bus terminal sa EDSA ay mababawasan ang itinuturing nilang ‘choke points’ at makakaluwag ito sa daloy ng mga sasakyan sa isa sa mga pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Garcia na ito ang dahilan kaya nais nilang magkaroon ng mga bus terminal sa Valenzuela City gayundin sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Binanggit din nito ang plano sa mga provincial bus na hindi dapat papasok sa Metro Manila.

Makikipag-usap din ang MMDA sa mga pamunuan ng NLEX at SLEX hinggil sa natu­rang plano.