Abante Tonite Interactive

Mga public school teacher i-exempt na sa buwis — Sotto

268

Naghain ng panukala si Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III na nag­lalayong i-exempt ang mga guro sa pampublikong paaaralan sa pagbabayad ng income tax.

Sa Senate Bill No 241 o An Act Providing Tax Relief to Public School Tea­chers by exempting them from Income Taxation, nais ni Sotto na hindi pagbayarin ng income tax ang mga Teachers 1, II at III.

“I filed the bill because he wanted to improve the economic status of the teachers, who upon entry level, receive only a little higher than the minimum wage,” sabi ni Sotto.

Kung maging batas ito, isa umanong itong magandang regalo sa guro para sa kanilang pagmamahal at sakripisyo na imolde ang kaisipan ng mga kabataan na magiging lider sa hinaharap.

Nakasaad din sa panukala na hindi na rin bubuwisan ang holiday pay, overtime pay, night shift differential at hazard pay ng tinatanggap ng Teachers I, II at III.

“This bill is in consonance with the Magna Carta for Public School Teacher­s which aimed to promote and improve the social and economic status of public school teachers, their living and working conditions, their terms of employment and career prospects,” ani Sotto.

Nangako din itong kanilang itutulak ngayong 18th Congress ang pagdadag­dag ng suweldo ng mga public school teacher. (Dindo Matining)