Abante Tonite Interactive

Mga Pulang Bulaklak

288

Napanaginipan kong nasa salas ako ng ­aming bahay. Nag-aayos daw ako ng mga bulaklak. Kulay pulang roses na nasa isang flower vase. Ang natatandaan ko, kinuha ko ang isa sa mga roses at inamoy. Iyon lang ang natandaan ko sa panaginip ko, ang mga pulang roses.

Ang mga bulaklak ay magandang uri ng pa­naginip. Sumisimbolo ito sa happiness. Ang bungkos ng mga bulaklak ay simbolo ng spi­rituality at perfection. Ang ganitong pana­ginip ay indikasyon na nakakaranas ka ng kasiyahan, love, at pagiging kuntento sa buhay.

Ang makulay na bulaklak — pulang roses — ay indikasyon din na may natatanggap kang sapat na suporta mula sa mga taong mahal mo. Sila ang nagbibi­gay sa iyo ng kumpiyansa at tiwala sa sarili para mas lalo pang magpursige sa buhay.

Ang mga bulaklak na nasa loob ng bahay ay indikasyon na sagana ka sa pagmamahal at iyon ay nagmumula sa loob ng bahay, kapamilya at iba pang mahal sa buhay.

Related Posts

Ang isang roses na kinuha mo mula sa flo­wer base at iyong inamoy sa panaginip ay nagpapakita naman na sa gitna ng natatanggap mong pagmamahal, may isang namumukod-tangi. Kumpara sa lahat, higit ang pagmamahal mo sa taong ito at siya ang maituturing na espesyal sa iyong buhay. Ang taong ito ay ­maaaring bahagi pa rin ng iyong buhay at maari rin namang bahagi ng iyong nakaraan. Posibleng ang taong ito na pinakaespesyal sa iyo ay malayo ­ngayon sa piling mo at nakakaramdam ng pangungulila ang puso mo para sa ­taong ito.

Ang kulay pulang bulaklak ay simbolo ng iba’t ibang emosyon. Puwedeng love, romance, passion pero maaari rin naman ikonek ang kulay na ito sa pagseselos at galit.

Para makuha mo ang pinakamalapit na interpretasyon sa iyong pa­naginip, tanungin ang iyong sarili: ano ang eksaktong naramdaman mo sa iyong pa­naginip? Ano ang naging reaksyon mo? Kung nakaramdam ka ng lungkot sa kabila ng magagandang bulaklak na nasa iyong harapan, maaaring nangungulila ka nga sa pagmamahal ng isang partikular na indibidwal. Kung naging masaya ka naman sa iyong panaginip, indikasyon ito na masaya ka rin at kuntento sa iyong sitwasyon sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.