Abante Tonite Interactive

Mga pulis na sangkot sa KFR tatanggalan ng maskara ng PNP

By
1,052

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) upang tuluyan ng malantad ang mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidades partikular sa kidnap for ransom.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, walang sasantuhin ang PNP kahit sino pa ang mga sagradong ‘baka’ na padrino ng mga ito sa gagawin nilang imbestigasyon.

“Wala po tayong sinisinu-sino diyan… kaya po mahigpit nating iniim­bestigahan iyan at tinitignan natin kung meron pa pong kinalaman ‘yung iba pa sa aming hanay, kung meron pa pong mga sangkot diyan,” saad ni Albayalde.

“Kaya po patuloy ang ating imbestigasyon diyan para malaman natin kung sino pa po ang sangkot diyan sa kidnapping na iyan.” Dagdag pa ng opisyal.

Ipinaliwanag pa ni Albayalde na ang kidnapping ay madaling pagkakakitaan ng pera o easy money at ito umano ang dahilan kung bakit biglaan na naman ang pagtaas ng insidente ng kidnapping

“Ang nakikita po natin is of course yung pagkakaperahan po talaga, dahil mabilis po ‘yung pera diyan lalung-lalo na ‘yung maliit ang hinihingi na pera. Yan po ang nakikita natin diyan,” saad ng opisyal.

Hinimok din ni Alba­yalde ang publiko na maging alerto o mapagbantay upang maiwasang mabiktima ng mga kidnapper.