Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pulis pasaway sa operation manual – Zarate

0 203

Dapat umanong sumalang sa inquest proceeding ang mga pulis na kasama sa operasyon kung saan mayroong namatay alinsunod sa manual ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat na-inquest ang mga pulis na sangkot sa serye ng pagsalakay sa mga aktibista kung saan siyam ang namatay, gayundin ang mga sangkot sa pamamaril kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

“Na-inquest na ba sila Gen. (Debold) Sinas? Kung hindi pa, bakit hindi n’yo sinusunod ang sarili ninyong procedures? Are you covering-up something?” ani Zarate.

Dagdag pa nito na kanilang pananagutin ang liderato ng PNP dahil sa kabiguang isailalim sa inquest proceedings ang mga pulis na nasangkot sa pamamaril. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.