Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pulis-QC sa McDo shootout, senglot

0 449

Iskup ni Nancy Carvajal

Binuking ng National Bureau of Investigation (NBI) na ilan umano sa pulis na rumesponde sa shootout sa pagitan ng Quezon City Police at ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mga nakainom ng alak.

“Merong video na nagpupumiglas ‘yung isang pulis na nakasibilyan, it turned out lasing,” ayon sa source.

Giit ng NBI, hindi umano nila lilimitahan ang imbestigasyon sa shootout sa labas ng McDonald’s noong Pebrero 24, at aalamin ang dahilan ng karahasan ng mga pulis laban sa mga PDEA agent.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We want to know why was there so much anger on the part of the police. Based on the statements of the PDEA agents who responded to the scene, they were already disarmed and were no longer a threat, but it did not prevent the police from beating them,” sabi pa ng source. the source said.

“Parang ritual, lahat ng dumarating na police, binatukan or kinakatok sa ulo yung mga PDEA agents na mga duguan na,’galit na galit yung mga police. Gusto naming malaman saan nanggaling yung galit nila,” dagdag nito.

Inaasahan na anumang oras ay magsusumite na ng resulta ng imbestigasyon ang NBI sa Department of Justice.

Matatandaang apat ang nasawi sa insidente, kabilang na ang dalawang pulis, isang PDEA agent at informant nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.