Abante Tonite Interactive

Mga pulis, tanod hinamon sa checkpoint: 3 biker kalaboso

479

Himas rehas ngayon ang tatlong magkakaibigan matapos na hamunin nila ng suntukan ang mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa Cebu City Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga inarestong suspek na sina Alwin Jay Telen Jataas, 20; Yemar Ligson Toledo, 21; at Jerry Ramos Obien Jr, 20, pawang residente ng Brgy. Day-as, Cebu City.

Ayon kay Captain Armando Labora, hepe ng Parian Police Station sa Cebu City, dakong alas-4:30 ng hapon nang dumaan sa checkpoint sa kanto ng P. Del Rosario at Don Pedro Cui Street sa Brgy. San Antonio, ang mga suspek na magkakaangkas sa isang bisikleta.

Hinarang sila ng mga pulis na nagbabantay sa checkpoint at hinanapan ng quarantine pass subalit walaang naipakita.

Imbes na humingi ng paumanhin ay hinamon pa ng away ng mga suspek ang mga pulis at mga barangay tanod na nagmamando ng checkpoint dahilan upang agad silang inaresto.

Bandang huli ay saka na lang humingi ng paumanhin ang mga suspek subalit huli na dahil dinala na sila sa presinto at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ngayong araw ng Lunes.(Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad