Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pulis turuan uli humawak ng baril – Eleazar

0 121

Matapos ang aksidenteng pagbaril ng isang pulis sa kanyang kaibigan, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng regular na gun safety training sa mga tanggapan ng kapulisan sa bansa.

“Nagbigay na ako ng direktiba to review, i-check, siguraduhin ang regular conduct of gun safety training sa ating mga pulis para manumbalik ang pag-iingat nila sa paggamit o pagdadala ng mga baril,” sabi ni Eleazar sa isang panayam nitong Linggo.

“Kahit sabihin magkaibigan, magkakila, aksidente o hindi, responsibilidad ng pulis kung anuman ang consequence ng kanyang action,” dagdag ng PNP chief.

Samantala, ang pulis na aksidenteng nakabaril sa kanyang kaibigan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong homicide. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.