Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pumalyang VCM, SD card pinabubuksan

0 35

Inirekomenda ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na isailalim sa random manual audit ang mga vote counting machine (VCM) at secure digital (SD) cards na nagkaroon ng aberya o pumalya sa idinaos na halalan noong Mayo 9.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, isinusulong ni Commissioner Marlon Casquejo sa en banc ang pagsasagawa ng random manual audit para malaman kung ano ang nangyari at paanong mapapabuti ang sistema sa susunod na halalan.

Nabatid na nagpulong na ang poll body kung saan pinag-usapan ang mga pumalyang VCM sa katatapos na halalan.

SM food to go Banner Ad

Subalit hindi pa aniya kaagad na maisasagawa ang random manual audit dahil kailangang patapusin muna ang panahon ng paghahain ng mga election protest na bibigyan ng 10 araw pagkatapos iproklama ang mga nanalo sa halalan.

Sakaling wala aniyang maghahain ng election protest ay saka pa lamang sila magpapatuloy ng random audit sa mga SD card. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.