Abante Tonite Interactive

Mga pupil pinanood ng porn ni sir

0 1,124

Pinaiimbestigahan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang insidente kaugnay sa pagpapanood umano ng isang guro sa Iloilo ng pornographic video sa mga Grade 10 student bilang bahagi umano ng sex education.

Ikinagulat ito ng pamunuan ng DepEd kung saan ay hindi umano tama ang ginawang move ng hindi muna pinangalanang lalaking guro sa Pili National High School sa bayan ng Ajuy, Iloilo.

Nabuking ang ginawa ng guro matapos na magsumbong ang isang mag-aaral sa kanyang magulang na pinanood umano sila ng porn.

Sa ngayon ay wala pang pinal na kasagutan si Secretary Leonor Magtolis Briones kaugnay sa isyu at naging komento ng ilang opisyal ng DepEd kung saan patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.

Giit naman ang pamunuan ng paaralan, bahagi umano ito para ituro ang sex education. (Vick Aquino)