Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga purdoy mahirap kumbinsihin sa bakuna – Binay

0 46

INAMIN ni Makati City Mayor Abby Binay na pahirapan ang pagkukumbinsi sa tinatawag na “lower income people” na magpabakuna dahil paniniwala ng mga ito, hindi na ito kailangan dahil madalas silang nasa bahay.

Sinabi ito ni Binay nang tanungin kaugnay sa kahandaan ng mga taga-Makati sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

“Feeling ko it comes from lower class, because those are the ones that have been imprinted and…’yung na-trauma doon sa Dengvaxia,” sinabi ni Binay.

“So yung hindi magpapabakuna, hindi ka lang magpapabakuna, sa bahay ka lang. Hindi ka naman magtatrabaho, so they don’t feel there is a need to have themselves vaccinated,” dagdag ng alkalde.

Kumpara naman sa mga tao na “low income,” sinabi ni Binay na ang middle class ay mas bukas sa posibilidad ng bakuna dahil laging nagtatrabaho at socially active.

“Kapag nakipag-usap ka sa mga middle class, sa more informed, they are ready to have themselves vaccinated. So medyo doon may challenge, ‘yung sa lower income. If you plan to travel abroad, I’m sure it will be a requirement to be vaccinated,” sinabi ni Binay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.