Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-commissioner, esmi petmalu ang sindikato

0 111

Going to town ang misis ni ex-commissioner.

Hindi ito katulad ni Santa na going town para magpamudmod ng biyaya noong Pasko, si misis ay going to town para siraan ang mga radio anchors na matagal na niyang pinakikinabangan.

Yes, ang siste kasi, double blade PR si misis, tapos ang mister niyang ex-comm may law office naman kaya palaging package deal. Tutulungan niya sa problemang legal pero siya ang hahawak ng PR.

Si misis na itago natin sa alyas na Madame M ay naging kaibigan ang mga radio anchors thru isang political broker na nasa isang presidential candidate ngayon. Knockout sa galing mambola kaya napalagay ang mga anchors mula sa malalaking istasyon ng radyo.

Ang problema, nagagamit pala ang mga anchors sa marami niyang panakot na transaksiyon kaya iyong iba, bumibigay sa kanilang mag-asawa. Hindi naman kilala sa PR industry si Madame M kasi nga accidental PR lang siya dahil sa instant dinner with anchors.

Naku po kaya lang, minsan nabuking si Madame dahil ang misis ng anchor ay siniraan pala nito at ipinagkakalat na social climber at mahilig sa regalo sa mga politiko na hindi naman pala totoo.

Nagalit si anchor pero palibhasa may pinag-aralan kaya hindi niya ito sinita at nagkaroon na lamang ng reservation ang “friendship.”

Iyong isa pang may morning show na anchor ay siniraan din at ipinagkakalat na “sampay-bakod” lang daw na taga-radio kaya mura lang ang TF. Wala rin daw itong kalaman-laman mag-opinion kaya walang dating ang programa. Kaya pala palagi niya rin itong nagagamit sa kanyang mga ops!

Pero kapag nagkikita-kita sila sa gatherings, sweet na sweet si madame pero nakapakyu pala ang isang kamay sa likod sabay abot ng regalo.

Ito ang mas matindi, makailang ulit nakipag-meeting si Madame sa isang senatorial candidate na mortal na kaaway ng isang kanidato. Kasama ang political broker, ilang beses nagnegosoasyon pero hindi nagkasundo sa presyo.

Ang ending, balitang nakuha ni Madame ang karibal na kandidato na sinisiraan din niya habang kamiting si kaaway. “Napakorap naman ng taong iyon kaya hindi namin kayang sikmurain maging PR niya, no, dapat nga di nakalaya iyon” sabi pa ni Madame sa kausap.

Nang mabasura ang usapan, doon din siya bumagsak sa sinasabi niyang magnanakaw at korap na kandidato!

Ang balita natin, habang nasa negosasyon, siniraan na naman ang mga radio achors, marami raw sa kausap niya ay patay-gutom na komentarista kaya madaling makausap kahit maraming eskandalo ang kandidato.

Samantala, si komisyuner naman ay busy sa kampanya dahil gusto ni Madame, privilege speech ang ipapanakot niya sa mga ayaw siyang kuning PR.

Ang tinutukoy nating misis ni kom ay walang iba kung hindi Mrs. M as in makapal tqlaga ang mukha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.