Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga re-electionist na NCR mayor patok pa rin

0 203

Matapos i-assessed ang mga National Capital Regions (NCR) Mayors ng kanilang mga constituents sa isang “job performance survey” at “re-election preferences,” muling pinulsuhan ang mga ito kasama ang kanilang mga posibleng makakalaban sa nalalapit na 2022 elections.
Sa Quezon City incumbent Mayor Joy Belmonte ay nakakuha ng 38-percentage count lead laban sa popular broadcast journalist na si Raffy Tulfo na nakakuha naman ng 25-percentage record, kasunod si dating Mayor Herbert Bautista, 13- percentage result.
Si dating Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo naman na nakalaban ni Belmonte sa nakalipas na eleksiyon ay pumang-apat sa 10-percentage count habang nasa huling puwesto si Congressman Michael “Mike” Defensor, 8-percentage result.
Sa pinakahuling developments, lumilitaw na sina Belmonte at Tulfo ay tila mayroong alyansa habang sina Defensor at Crisologo naman ang madalas na makitang magkasama sa ilang events.
Samantala, sa Maynila ay inaasahang si Mayor Isko Moreno ay hindi na tatakbo sa re-election dahil sa posibilidad na tumakbo ito sa mas mataas na posisyon, kaya’t ang kaalyadong si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna naman ang inaasahang tatakbo sa pagka-alkalde.
Si Lacuna ay nakakuha ng 46-percentage mark laban sa posible niyang makalaban sa eleksiyon na si incumbent Congressman Manny Lopez na may 33-percentage rating.
Sa Pasig City inaasahan ang ‘one-on-one scenario match’ sa pagitan nina incumbent Mayor Victor Vico Sotto, 67-percentage result laban kay dating Mayor Robert “Bobby” Eusebio, 28-percentage count.
Sa San Juan City, si incumbent Mayor Francis Zamora ay nakakuha ng 48-percentage laban kay dating Vice Mayor Janella Ejercito Estrada, 30-percentage .
Ang mga re-electionist NCR mayors naman na sina Menchie Abalos ng Mandaluyong City; Lino Cayetano ng Taguig City; Abby Binay ng Makati City; Emi Calixto ng Pasay City; Toby Tiangco ng Navotas City; Imelda Aguilar ng Las Pinas City; at Miguel Ponce III ng Pateros, ay inaasahang walang makakalaban sa halalan.
Posible namang patakbuhin ng non-re-electionist na si Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang anak nitong si Congressman Along Malapitan sa pagka-alkalde ng Caloocan City, 53-percentage result laban kay Congressman Egay Erice, 36- percentage count sa survey.
Sa Parañaque City, ang kapatid ni outgoing Mayor Edwin Olivarez, na si Congressman Eric Olivarez, naman ang inaasahang kakandidato sa pagka-alkalde, at nakakuha ito ng 35-percentage result laban kay dating Congressman Gustavo “Gus” Tambunting, na nakakuha naman ng 50-percentage count.
Si Congressman Rozzano “Ruffy” Biazon naman na posibleng tumakbo bilang alkalde ng Muntinlupa City ay nakakuha ng 57-percentage result, laban sa kanyang posibleng makakalaban na si dating Mayor Aldrin San Pedro, na nakakuha ng lamang ng 23-percentage count.
Ang last termer na si Mayor Rexlon Gatchalian ng Valenzuela City ay inaasahang tatakbo sa pagka-Congressman ng unang distrito ng lungsod, habang isa pang Gatchalian naman ang posibleng tumakbong unopposed sa mayoralty position.
Ang naturang “NCR Mayor: Pulso ng Bayan 2022 survey” ay isinagawa mula Mayo 20-30, 2021 ng isang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, nagsagawa sila ng face-to-face interviews sa kabuuang 5,000 respondents sa walong lungsod, kung saan ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng respondents na nasa 1,500.

Leave A Reply

Your email address will not be published.