Abante Tonite Interactive

Mga reclamation project inaprubahan kahit bad sa Manila Bay

322

Isang malaking delubyo ang idudulot ng mga nakapormang reclamation project sa Manila Bay kapag pinayagan ng Phi­lippine Reclamation Authority (PRA) na matuloy ang mga ito.

Sinabi ito ni Senior Deputy Mino­rity Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa pagdinig ng House committee on Metro Manila development kahapon matapos usisain si PRA Assistant General Manager for Reclamation and Regulation Atty. Joseph Literal kung ilang reclamation project ang inaprubahan ng ahensiya sa Manila Bay at sa buong bansa.

“How many reclamation projects in the Manila Bay area are in the pipeline? How many reclamation projects in the whole country? What is the total area of all of these projects? Would these reclamation projects have adverse effects on the environment?” pagtatanong ni Atienza.

Nadismaya si Atienza sa tugon ng opis­yal matapos malaman ang polisiya ng ahensiya na inaaprubahan ng PRA lahat ng aplikasyon para sa mga reclamation pro­ject nang hindi man lamang kinukunsidera ang seryosong epekto nito sa kalikasan.

“You have just admitted that in the Manila Bay area alone, there are 22 reclamation projects poised to commence, and over 100 more in different parts of the country. You are aware that there would indeed be effects on the environment, and yet you would still let these projects proceed simply because the developers were instituting so-called systems to mitigate these effects?” giit ni Atienza.

Binigyan-diin ni Atienza na kapag pinayagan ang lahat ng proyekto ay delubyo ang idudulot nito.
“If all these projects are allowed to proceed, the effects would be catastrophic for all of us.

There seems to be a reclamation craze sweeping across the country and you just keep approving each one of them. Now that President Duterte has transferred the PRA under the Office of the President, malalaman na ngayon ng Presidente ang ginagawa ng mga tao sa ahensiyang ito,” nanggigigil na pahayag ni Atienza.

Naniniwala si Atienza na tila naka­kiling ang PRA pabor sa mga proyekto dahil wala itong hindi inaprubahan.

Sa testimonya ni Literal, inamin nito na umaabot sa 22 Manila Bay reclamation project ang nakabinbin sa PRA.

Kapag naaprubahan ang mga nasabing proyekto ay makakaapekto ito sa 20,000 hektarya ng kabuuang 199,000 hektarya ng Manila Bay.

Ayon naman kay Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao, tatlo sa mga nasabing proyekto ang inaprubahan na ng PRC at tumalima na umano sa proseso ng Department of Environment and Natural Resources.

Kabilang dito ang 360 hektaryang Pasay reclamation project, 140 hektaryang Solar City project at ang Navotas Boulevard Business Park.

Ipinahayag naman ni PRA Assistant General Manager for Land Development, Construction and Technical Services Atty. Joselito Gonzales na lilikha ng trabaho ang mga reclamation project at puwedeng maging ‘coastal defense’ ang mga itatayong istraktura sa mga reclaimed area kung maayos ang disenyo.

Pero kinontra ito ni Atienza at sinabing marami na siyang dinaluhang konsultasyon at lumalabas na nagiging ‘sales promotion’ lamang ang mga sinasabing benepisyo na idudulot ng mga proyekto at hindi naman pinapakinggan ang opinyon ng mga environmental expert.