Abante Tonite Interactive

Mga recruitment agency ibabawal sa Department of OFW

0 383

Tapos na ang maliligayang araw ng mga recruitment agency na nagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa kapalit ng malalaking placement fee.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOLE na bilisan ang pagtatatag ng Department of OFW hanggang buwan ng Dis­yembre kung saan ang gobyerno na ang mangangasiwa sa recruitment at pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Sa kanyang talum­pati sa “Araw ng Pasa­salamat sa OFWs” sa Camp Aguinaldo, Biyernes nang gabi, sinabi ng Pangulo na sa ganitong paraan ay matitigil na ang pang-aabuso sa mga OFW dahil hindi nasasala ang mga employer sa ibang bansa.

Sinabi ng Pangulo na ang gobyerno na ang sasala sa mga employer na gustong kumuha ng manggagawang Pinoy para matiyak ang kaligtasan at maayos na sitwasyon ng mga ito sa ibang bansa. (Aileen Taliping)