Abante Tonite Interactive

Mga recruitment agency nagpasalamat kay Duterte

466

Nagpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sama­han ng mga lehitimo at lisensyadong recruitment agency sa bansa, matapos aktibong suportahan nito ang pagbuo ng Department of Overseas Filipinos o OFW Department.

Sa pagsasalita ng Pangulo noong isang linggo sa Araw ng Pasa­salamat sa mga OFW Summit, binanggit niya ang pagtatatag ng bagong departamento bago matapos ang taon.

Kaisa ng Pangulo ang mga matitinong licensed recruitment agency, sa galit nito sa mga illegal recrui­ter na nambibiktima at nanloloko ng mga aplikante at OFW, lalo na sa mga naniningil ng horrendous charges mula sa mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Lucy Sermonia ng grupong Coalition of Licensed Employment Provi­ders of the Philippines (CLOEPP), labis ang kanilang kagalakan sa pahayag na ito ng Pa­ngulo. Makakatulong din umano ang pagkakaroon ng bagong departamento para ma­tuldukan ang mga problema na dulot ng mga abusado at fly-by-night recruiter.

Sa ngayon may inihain nang panukalang batas sa Senado si Senador Bong Go, ang Department of Overseas Filipinos Act (S.B. 202). Kung maisasabatas ito, ang bagong departamento ay magiging pangkalahatang ahensya na sasaklaw sa POEA, OWWA, Office of the Undersecretary for Migrant Wor­kers ng DFA, Commission on Filipinos Overseas (CFO), at International Labor Affairs Bureau (ILAB) at National Reintegration for OFWs (NRCO)

Nakasaad din sa panukalang batas ang pagtatayo ng mga ‘OFW Malasakit Center’ sa lahat ng mga lalawigan at lungsod para sa mabilis at simpleng pangangailangan ng mga OFW tulad ng mga permit, validation ng mga job offer, complaints desk at reinteg­ration services.