Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga remittance center ng SAP sinita sa P50 kaltas

0 123

Pinagsabihan ng Malacañang ang mga remittance center na pinagkukunan ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng resibo sa kanilang sinisingil sa mga benepisyaryo.

Ito’y matapos na makarating sa Malacañang na kinakaltasan ng P50 ng mga remittance center bilang processing fee ang cash aid ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batid nilang mayroong processing fee mula sa ayudang ibinigay ng gobyerno pero dapat ay maglabas ng resibo ang mga remittance center para ma-record ang kita nila at magbayad ng tamang buwis.

Batay sa report, lahat ng benepisyaryong kumukuha ng kanilang ayuda sa mga otorisadong remittance center ay kinakaltasan ng P50 subalit walang ibinibigay na resibo. Ang iba naman ay kinakailangang kumuha ng suki card sa remittance center para makuha ang ayuda na may bayad na P100. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.