Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga resto dedma na sa bakuna card – Concepcion

0 60

Kinalampag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang publiko at mga establisimiyento dahil sa mistulang nakakaligtaan na ang mga paghihigpit para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Binigyang-diin ni Concepcion sa kanyang pagharap sa Laging Handa public briefing kahapon na mahalagang magpa-booster shot upang madagdagan ang proteksiyon laban sa COVID at sa mga variant nito.

“Iyong bakuna talaga ang importante. Nakita natin sa ginawa ng public sector, private sector in the previous months na mataas iyong primary doses kaya talagang bumagsak iyong mga kaso natin, pero dapat ituloy natin dito sa mga booster shots,” paliwanag ni Concepcion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit pa niya na na dapat sapilitan nang gawin ng mga awtoridad ang pagbabakuna para na rin sa kaligtasan ng lahat.

“Sinasabi na namin sa mga ibang medical group na dapat puwersahin natin iyong booster shots natin. At ngayon, wala nang restrictions dito sa mga restaurants. Maski may vax card o wala, pumapasok na ang mga tao,” ani Concepcion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.