Abante Tonite Interactive

Mga resto mababangkarote sa mahigpit na protocol – Villar

0 465

Maaaring magdeklara ng bankruptcy o pagka-bangkarote ang mga restaurant kung hindi papayagan ang sit in o dine in sa kanilang negosyo.

Ito ang inihayag ni Senador Cynthia Villar sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaya’t nakiusap sa Department of Trade and Industry (DTI) na payagan nang buksan kahit 50% ng sit in sa loob ng mga restaurant.

“Naawa ako sa mga restaurant. Walang kumakain. Hindi sila magaling sa delivery, magaling sila sa sit-in,” pahayag ni Villar.

“Can you suggest na kahit to the government na i-open ang sit in kahit 50 percent para magkahanapbuhay ang maraming resort,” suhestiyon pa ni Villar kay DTI Secretary Ramon Lopez.

Ayon sa senadora, 95% ng mga negosyo sa Metro Manila ay small at micro, at 50% ng small ay micro ay pawang negosyong pagkain.

Kung hindi bubuksan ang dine in sa mga restaurant, ayon kay Villar, marami sa kanila ang magdedeklara ng bankruptcy o `di kaya’y magbawas ng mga empleyado.

“Kapag hindi binuksan ang mga sit in sa restaurant, magde-declare sila lahat ng bankruptcy. Just want to inform you, mas malaki ang problema ng mga restaurant,” sabi pa ni Villar.

Sinabi naman ni Lopez na kanilang pinag-aaralan na ang pagbubukas ng dine in sa mga fast food at mga restaurant at may posibilidad na mangyari ito.

“Pinag-aaralan na po ang pagbi-build ng dine in. We will look into the application of health protocol. Kapag safe po na kumain at ma-implement ang minimum health protocol, we will propose the opening of dine in,” ayon kay Lopez.

“Tama po kayo, kahit 50%, kasi for them to meet the social distancing, dapat 50% ang capacity muna ng restaurant,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad