Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga riding-in-tandem 50 tinodas sa 44 araw

0 41

Umabot na sa 50 katao ang napatay ng mga riding-in-tandem criminal sa loob lamang ng 44 na araw ngayong 2021.

Sa datos na iprinisenta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mabagal na implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act, lumalabas na isa ang napapatay ng riding-in-tandem criminal sa taong ito.

Bukod sa napatay, pito naman ang malubhang nasugatan at dalawa ang nakaligtas sapol noong Enero 1 hanggang Pebrero 13.

Sa naturang bilang, 30 ang sibilyan, siyam ang police officer, 14 ang opisyal o kawani ng gobyerno, tatlo ang negosyante, isang guro, isang lider ng union at isang abogado.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas sa Senado na iniimbestigahan na ang naturang mga insidente.

Binuhay na rin ng PNP ang Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU).

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Dito po sa NCR [National Capital Region], very active po `yan. Kasama po dito, bawat police station, lalo na sa NCR at highly urbanized centers, ay meron na pon TMRUs,” sabi ni Sinas.

Nauna nang kinastigo ng ilang senador ang mabagal na pagpapatupad ng Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.

Naging batas ito noong 2019 na layuning protektahan ang publiko mula sa mga krimen na ginagawa ng mga kriminal na sakay ng motorsiklo. Nakasaad din sa batas na dapat maglagay ng mas malaki, mas nababasa at makulay na plaka para madaling makilala ng mga testigo ang motorsiklong ginagamit ng mga kriminal.

Samantala, inihayag din ni Sinas na halos kalahati ng 19,086 krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle-riding na mga suspek mula pa 2016 hanggang 2020 ang hindi nareresolba hanggang ngayon.

“Out of these we have solved a total of 9,040 or only 48.87 percent ang na-solve namin sa mga cases na `yan,” ani Sinas.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.