Abante Tonite Interactive

Mga riding-in-tandem criminal buburahin ni Albayalde

By
2,104

Maglulunsad ng ba­gong proyekto ang Phi­­lippine National Po­lice (PNP) para masugpo ang mga salot na riding-in-tandem na gumagawa ng iba’t ibang klase ng krimen.

Ito ang inihayag ni PNP chief Director Ge­neral Oscar Albayalde at ilulunsad ito ng PNP pagkatapos ng May 14 Barangay at SK election.

“May pinaplano na kami dyan to address the riding-in-tandem be­side doon sa pina­igting nating oplan sita and checkpoint operation, After barangay at SK election may ila-launch na bagong pro­ject para ma-double o ma-address ‘yung riding-­in-tandem incidents as of this time ang importante ang oplan sita natin, police visibility at check point operation,” saad ni Alba­yalde.