Abante Tonite Interactive

Mga riding-in-tandem lilipulin sa Calabarzon

By
2,041

Nagsagawa ng pagpupulong ang tatlong nangungunang Police Regional Office (PRO) sa bansa upang matuldukan na ang dumaraming krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem suspek sa Metro Manila at dalawang karatig na rehiyon.

Isinagawa kamakalawa ng Joint Technical Working (TWG) group meeting na nilahukan ng National Capital Region Police Office, Police Regional Office 4A ng CALABARZON at Regional Office 3 ng Central Luzon na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Sa nasabing meeting ipinanukala ang pagkakaroon ng Unified Sticker System (USS) sa mga motorsiklo sa tatlong rehiyon ng sa ganoon umano ay madaling makilala ang mga motorsiklo na kalimitan ginagamit ngayong sasakyan ng mga kriminal.

Sa ilalim ng natu­rang sistema, magkakaroon ng color coding ng mga sticker ng mga motorsiklo ang tatlong rehiyon upang madaling matukoy kung saang unit inisyu ang sticker base sa kulay nito.

Dahil sa patuloy na dumaraming kaso ng mga Motorcycle Riding Suspects (MRS), mas paiigtingin ng tatlong rehiyon ang kampanya laban sa mga ito.

Tiniyak ni PRO3 Regional Director PC/Supt. Amador Corpus na unti-unting aalisin ng PNP ang mga MRS sa mga kalsada.

Ayon naman kay Quezon City District Director PC/Supt. Guil­lermo Lorenzo Eleazar, sa pamamagitan ng paggamit mga makabagong teknolohiya katulad ng mga CCTVs at GPS, malaki umano ang bentahe nito sa PNP para masugpo ang mga ­riding-in-tandem ­criminals.