Abante Tonite Interactive

Mga sabaw na patok ngayong tag-ulan

By
731

Likas sa mga Pinoy ang pagkahilig sa mga pagkaing may sabaw na talaga namang perfect ngayong madalas ang bed weather. Masarap humigop nang mainit na sabaw nga­yong malamig ang panahon. Importante ring mainitan ang sikmura para hindi ginawin.

Narito ang ilang pagkaing may sabaw na ta­laga namang IN na IN tuwing taglamig.

LUGAW

Hindi mawawala sa listahan ang lugaw. Mabisa itong alternatibo sa pagkain ng kanin. Malagkit na bigas kasi ang primary ingredient nito na mabigat sa tiyan. Puwede ring haluan ng nilagang itlog. Patok din ang lugaw goto na laman-loob ng baka at baboy ang rekado. Sa iba naman, manok ang inihahalo sa lugaw.

BULALO

Masustansiya ang bulalo dahil mataas ang nutritional level ng mga sangkap nito. Ang bulalo soup ay ginagamitan ng karne at bone marrow ng baka. Sabi ng ilang eksperto, ‘red meat is one of the most nutritious foods that you can eat.’ Pero siyempre – lahat ng sobra, masama. Hinay-hinay rin sa pagkain lalo na kung may hypertension at gout.

MAMI

Isa ito sa pinaka­mabilis ding ihanda ngayong taglamig. Kailangan lang magpakulo ng noodles at lagyan ng pampalasa, aprub na. Chicken strips o beef chunks ang puwedeng ihalo. Ang iba naman, dimsum gaya ng siomai at sharksfin ang isinasahog. Nilalagyan pa ng green leafy vegetables gaya ng pechay baguio at ce­lery para mas masustansiya.

SOPAS

Wala itong pinipiling panahon. All-time favorite at comfort food din ng mga Pinoy ang chicken sopas. Masustansiya ito dahil iba’t ibang uri ng gulay ang puwede mong ihalo rito gaya ng carrot, patatas, celery at red bell pepper. Maaari itong ihain sa mga taong masama ang pakiramdam dahil sa ubo’t sipon.

Ang sa akin lang – wala ng mas hihigit pa sa mga comfort food na ‘yan kung sama-sama kayong hihigop ng mainit na sabaw ng mga mahal mo sa buhay ngayong malamig ang panahon.