Abante Tonite Interactive

Mga sabungero inimbitahan sa nalalabing derby elims

287

Makaraang tumibag ng 3-0 (panalo-talo) kartada noong June 6, kasaling muli ang Silverbaq88 entry ng Laguna sa Roligon Mega Cockpit “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ngayong Huwebes.

Bandang 4pm ang umpisa ng mga sultada sa araw na ito sa Parañaque, ang ikalima na sa walong 3-cock elims.

Higit 100 “Bakbakan” at “Digmaan” stags ang nasa Silverbaq88 Farms para sa 2019 season.

Inimbita ni RMC CEO Dennis Ligon ang mga sabungero na sumali sa nalalabing elims sa July 11, 18 at 25.

“A P100,000 day prize will be divided for three pointers per day,” ani Ligon.

Ang 2-cock finals ay sa Aug. 1 para sa mga 1, 1.5, 2 at 2.5 points, taya ang P400,000 mula sa makaka-2 pointers, at sa Aug. 8 (na may 3 points at straight five cocks.

Garantisado ang P5M sa entry fee na P11,000 ang entry fee at P5,500 ang minimum bet.(Enjel Manato)