Abante Tonite Interactive

Mga sagabal sa kalye ugat ng trapik

228

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na linisin ang mga kalsada sa mga sagabal sa kalye na siyang nagi­ging dahilan ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Malaking hamon kay MMDA Chairman Danilo Lim na naatasan ni Duterte na maglinis sa mga kalye at mapaluwag ang trapik sa Metro Manila.

Ang pagsisikip ng mga kalsada sa mga panguna­hing lansangan ay dahil sa mga illegal vendor at nakaparadang sasakyan sa kalye.

Ayon sa pag-aaral, ang trapik sa Metro Manila ay nagdudulot ng tatlong bilyong pisong pagkalugi araw-araw.
Isa pa sa nagpapasikip ng daloy ng mga sasakyan sa Guadalupe Nuevo, Makati City ay ang mga nakaparadang sasakyan at naglipanang illegal vendor sa gilid ng mga kalye nito.

Malaki rin umano ang papel ng Makati Police para malinis ang mga sagabal sa kalye sa Guadalupe sa pamumuno ni Makati Police Chief Sr/Supt. Rogelio Simon para mapaluwag ang mga kalye sa illegal vendor at nakaparadang sasakyan.