Mga sakit kumakalat

476

Dear Abante Tonite,

Nakakagulat ang mga epidemyang kumakalat sa ating bansa ngayon. Noong mga nakaraang buwan tigdas ang nag-outbreak tapos dengue, polio, at ngayon diphtheria. Nakakatakot po ang mga nangyayari sa ating bansa sapagkat maraming mamamayan at mga bata ang ­naapektuhan ng ganitong sakit.

Dagdag pa riyan na ayaw ng mga magulang magpabakunahan ang kanilang mga anak dahil natatakot din sa dengvaxia scare. Kaya naman lumulubo ang bilang nang may tigdas noon at ngayon nga polio at diphtheria. Tapos ho kahapon lang nabalitaan ko naman ang pagkamatay ng isang bata dahil sa Meningococcemia.

Tapos po malalaman natin na may budget cut sa ­Department of Health. Dapat po sa mga inuukulan na mas dagdagan pa nga ang budget para sa kalusugan ng ­kanyang mamamayan hindi po yung puro droga na lang ang ­inaatupag ng ating gobyerno. Maging maingat po ­tayong lahat sa panahon ngayon hindi lang sa mga ­kumakalat na sakit kung hindi sa mga samu’t saring krimen na nangyayari sa ating bansa lalo na ngayong ber months.

Cecilia Apostol

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...