Abante Tonite Interactive

Mga sakop ng nullity of marriage

0 187

Dear Atty. Claire,

Magandang araw tanong ko lang po ‘yung sa nullity of marriage tungkol grounds about solemnizing officer.

Kasal po kami sa ­Mayor at ngayon ay ­hiwalay na. Mahigit pitong taon na po kaming kasal. Nu’ng kinasal po kami, wala po ‘yung mayor ­nagpirmahan lang po kami at walang ­seremonyas na ­nangyari. Puwede po ba pang ­magfile ng nullity of marriage? Salamat po at more power.
John

Dear Mr. John,
Kung pitong taon na kayong kasal ay luma­labas na sakop kayo ng Family Code of the Philippines at ng Local Government Code of 1991 kaya’t ang mayor ay may kapangyarihang mag-solemnize ng marriage. Noong panahon na ang umiiral ay ang New Civil Code ay mayroon nang kapangyarihan ang mayor na magkasal ngunit ito ay binawi noong pinatupad ang Family Code noong August 1988.

Ngunit nang ipasa at ipatupad ang Local Government Code ay muling naibalik and kapangyarihan ng mayor na magkasal.

Sa sitwasyon ninyo, kung hindi ang Mayor ang nagkasal sa inyo at walang seremonyas ng kasal na naganap ay ground ito para maipawalang-bisa mo ang kasal ninyo ngunit dapat mong mapatunayan ito. Kung ang nakapirma kasi sa marriage certificate ay ang mayor ay mahihirapan kang patunayan na hindi nga siya ang nagkasal sa inyo maliban lang kung may pruweba ka na nasa ibang bansa siya na imposible para kay mayor na mag-solemnize ng marriage.

Tandaan mo rin na ang kasal ay masasabing valid kahit walang kapangyarihan ang nagkasal o nag-solemnize ng marriage kung pareho o ang isa na ikakasal ay naniniwalang may authority na magkasal ang nag-solemnize ng marriage. Ayon sa Art. 35 ng Family Code of the Philippines:
Art. 35. The following marriages shall be void from the beginning:
(1) xxxx
(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contrac­ted with either or both parties believing in good faith that the ­solemnizing officer had the legal ­authority to do so.

Kung pareho kayo na alam na hindi mayor ang nagkasal at ang taong humarap sa inyo ay walang kapangyarihan na magkasal, hindi valid ang kasal ninyo. Patunayan lamang nang maayos sa korte ang ebidensiya lalo na tungkol sa walang sere­monyas dahil sa nananaig sa atin ang presumption of regularity in the performance of official functions kaysa sa isang testimonya na walang patunay.