Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sakripisyo at gantimpala ng pagsunod kay Kristo

0 295

Patungkol sa mga sakripisyo at gantimpala ng pagiging alagad ni HesuKristo ang Ebanghelyo ngayong Linggo (Mt 10:37-42). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoon tungkol sa pagsunod sa kanya: Hindi karapat-dapat maging disipulo ang sinumang may pagpapahalaga higit sa Kanya!

Sa madaling salita, hindi maiiwasang sangkap ng Christian Discipleship ang ‘renunciation’ o pagtalikod, pagtatakwil at pagtiwalag sa mga tao o bagay na maaring maging hadlang sa pagsunod kay Hesus. Higit sa lahat, dapat maging handa ang isang alagad isantabi ang lahat para sa Diyos!

Paliwanag ni Romano Guardini: “When it comes to a choice between domestic peace and Jesus, one must value Jesus higher, even higher that the most dearly beloved. Jesus warns us: if you hold life fast, sacrificing me for it, you lose your own true life. If you go for my sake, you will find yourself in the heart of immeasurable reality.”

Your email address will not be published.