Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga salita vs Covid-19 ilagay sa bawat jersey

0 84

Meron akong mga iminungkahing mga maaaring gawin ng PBA sa plano nitong pagpapatuloy ng 2020 Philippine Cup sa darating na Oct. 9, kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga numerong Covid-19 positive cases sa bansa at kung payagan na ng gobyerno.

Nabanggit ko ito sa ating Ringless kolum nitong Sabado sa edisyon ng Abante Sports at maging sa aking account sa Twitter.

Ito’y may kinalaman sa mga jersey at pregame introductions tulad ng ginawa ng NBA sa sarili nitong restart nitong nakaraang July.

Mga salita o parirala patungkol sa minimum health protocols para sa Covid-19 sa PBA kung patungkol sa social justice at racial equality sa NBA. Mga salita o parirala sa Ingles o Tagalog tulad ng Wear Masks, Magsuot ng Face Shields, Mag-Social Distance, Stay Home, Laging Maghugas ng Kamay, ‘Wag Pasaway at kung anu-ano pa sa likod ng mga sando ng player.

Ang ilang mga ginamit sa NBA ay Black Lives Matters, Equality, Vote at Justice.

At mga frontliner sa mga fan ng mga PBA team para sa pregame introductions kung mga kapamilya sa NBA.

Nakalimutan kong banggitin na kung hindi naman gusto ang mga ito ng buong liga maaari naman itong option ng bawat team.

Suhestiyon lang naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.