Abante Tonite Interactive

Mga sasakyan sa condo tambayan ng mga multo

0 488

Mga ka-Misteryo, ngayong bihirang gamitin o di kaya hindi na nagagamit ang mga sasakyan, hindi maiwasan na tambayan na rin ito ng mga gumagalang kaluluwa.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta May Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Frontliner si Raul ng Makati kaya’t kailangan niyang pumasok araw-araw gamit ang kanyang saaakyan.

Pero lagi niyang napapansin sa tuwing darating siya ng madaling araw ay nangingilbot siya habang naglalakad sa parking area ng tinutuluyan niyang condo. Pakiwari niya may nakatingin sa kanya.

Alas-2 ng madaling araw nang makauwi siya mula sa trabaho at dating gawi nasa parking na naman siya at heto na naman ang kakaibang nararamdaman niya, nangingilabot siya.

Nilakasan niya ang kanyang loob para igala ang kanyang paningin sa paligid at Nasindak siya nang maaninag niya may mga nakaupo sa mga sasakyan na hindi na ginagamit ng mga may-ari at tila nakatingin lahat sa kanya.

Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Raul.

Related Posts

Misteryo: “Hindi naman kaya imahinasyon mo lang ang mga nakita mo?”
Raul: “Hindi ako maaaring magkamali sa nakita saka kung imahinasyon ko lang dapat minsan lang pero tuwing umuuwi ako ganun ang nararamdaman ko.”

Misteryo: “Anong hitsura ng mga nakita mo? Lahat ba sila nakaupo sa mga sasakyan? Saang bahagi ng saaakyan?”
Raul: “Sa unahan sa driver at passenger seat ko nakikita. Hindi ko maaninag hitsura nila. Yung van na katabi ng parking space ko meron akong nakita na anino sa gitnang bahagi pero Ayaw ko ipahalata na nakikita ko siya.”

Misteryo: “Teka nakatingin lang ba sila sayo? Wala bang sumunod o sumama sayo?”
Raul: “Ewan ko kung meron sumasama pero may feeling akong ganun. Kung meron man hindi ko papansinin kahit magparamdam pa.”

Misteryo: “Sabi mo yung may mga multo ay nasa mga sasakyan na hindi ginagamit dahil sa quarantine?”
Raul: “Eksakto Yun nga kaya siguro dapat gamitin din paminsan-minsan o pwede naman mag-ikot sa parking.”

Good advice Tama ang sinabi ni Raul saka dagdagan ko sinabi niya. Kung mag-park kayo ng sasakyan, ugaliin niyong itiklop ang mga upuan para hindi tambayan ng mga gumagalang kaluluwa.

Para sa inyong mga kuwentong Misteryo at Kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.#

Tonite – Wendys Inhouse Ad