Abante Tonite Interactive

Mga school bag sinunog sa Camarines Sur

475

Kumalat sa isang viral video kung saan makikita sa isang pribadong eskuwelahan sa Camarines Sur ang mga sunog na bag ng mga estudyante dahil sa paglabag sa ‘no bag policy’.

Sa isang social media tweet na ipinost ni Earl Vincent Cañaveral (@Surrearlism), makikita ang mga mag-aaral ng Bicol Center Academy sa Libmanan, Camarines Sur na nakatayo sa harap ng kanilang sunog na bag at mga gamit sa school quadrangle.

Inutos umano ng administrator ng paaralan na sunugin ang mga gamit ng mga estu­dyante na hindi sumunod sa kautusan ng ‘no bag’ kaugnay ng ginaganap na isang school event.

Makikita rin ang isang school head na sinisigawan ang mga estudyante na hindi sumunod sa patakaran ng school at tinawag na ‘tanga’ ang mga ito.

Nangyari umano ang insidente sa Tasumaki Day ng eskuwelahan kung saan inatasan ang mga mag-aaral na magsuot ng formal attire at binawalan na magdala ng malalaking bag, na hindi nasunod ng mga mag-aaral.

Ikinatwiran naman ng mga estudyante na kaya sila may dalang bag ay dahil kailangan nilang magpalit ng damit na kailangan sa ibang school activity.