Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sementeryo sa Malabon ikakandado

0 60

Pansamantalang isasara nang anim na araw ang mga sementeryo sa Malabon City.

Ito ay matapos maglabas ng Executive Order No. 21-10-06-030 Series of 2021 ang pamahalaang lokal ng lungsod.

Magsisimula ang lockdown sa mga sementeryo sa Oktubre 29, at tatagal hanggang Nobyembre 3 ngayong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ang hakbang na ito upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga libingan lalo na’t nalalapit na ang Todos los Santos para mapigilan ang hawaan ng COVID-19.

Samantala, maaaring bisitahin ng mga taga-Malabon, o may mga mahal sa buhay na nakalibing sa lungsod, ang kanilang mga yumao bago ang nakatakdang araw ng pagsasara o muling pagbubukas ng mga sementeryo. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.